Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGHIHIRAP AT TAGUMPAY NG LINGKOD NG DIYOS!
(Pangaral Bilang 1 mula sa ISAIAS 53)
THE SUFFERING AND TRIUMPH OF GOD’S SERVANT!
(SERMON NUMBER 1 ON ISAIAH 53)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Ang Pangaral na ipinangaral ng umaga sa Araw ng Panginoon,
noong Ika18 ng Pebrero 2007
sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles

“Narito, ang lingkod ko ay gawang may karunungan, siya ay magbubunyi, at malalagay na mataas at maging napakataas. Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao). Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka’t ang kanilang makikita: at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.” (Isaias 52:13-15).


Ang mga bersong ito ay nararapat na maging kalakip sa kapitolo 53 kaysa kapitulo 52 ayon kay Dr. John Gill, sa ganang “nakakarami ng mga makabagong komentarista” (Frank E. Gaebelein, D.D., The Expositor’s Bible Commentary, Regency Reference Library, 1986, volume 6, p. 300). Ang buong siping mula sa berso 13 hanggang kapitulo 53:12 ay tumutukoy sa “paghihirap ng Lingkod ng Diyos.” Sinabi ni Matthew Henry,

Ang hulang ito, na nagsimula rito at nagpapatuloy hanggang sa katapusan ng susunod na kapitulo, ay malinaw na tumutukoy bilang si Jesu-Kristo; Ang mga naunang mga Judio ay kanilang naunawaan na ito ang Mesias, bagama’t ang mga makabagong Judio ay gumawa ng malaking pasakit upang papasamain ito… ngunit si Felipe, [mula sa siping ito] ay ipinangaral si Kristo doon sa isang eunuco, kung saan inilagay ang nagdaang pagtatalo na sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? sa sarili ba niya o iba? Mga Gawa 8:34, 35 (Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible,  Hendrickson Publishers,  1996 reprint, volume 4,   p. 235).

Ang naunang Judiong Targum ay nagsasabi na ito’y tumutukoy doon sa Mesias, kung paano tinukoy ng mga matatandang guro na sina, Aben at Alshech (John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume I, p. 309). Mga Kristiyanong komentarista sa lahat ng kasaysayan ay nakita ang siping ito bilang hula patungkol sa Panginoong Jesu-Kristo. Sinabi ni Spurgeon,

Paano nila gawin sa ibang paraan? Kanino pa ba patungkol ang ganitong hulang natukoy? Kung ang tao sa Nazareth, ang Anak ng Diyos, ay hindi naklantad sa tatlong berso na ito, mas madilim pa sila sa hating-gabi. Hindi kami mag aatubili sa isang sandali upang ilagay ang bawat salita doon sa ating Panginoong Jesu-Kristo (C. H. Spurgeon, “The Sure Triumph of The Crucified One,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1971 reprint, volume XXI, p. 241).

Sa nabanggit na ni Matthew Henry, ang ebanghelistang si Felipeng nagsabi na ang siping Kasulatan na ito ay ang nagbigay hula sa paghihirap ni Kristo.

“At ang eunuco ay sumagot kay Felipe at sinabing dalangin ko sa iyo, sino ba ang tinutukoy dito ng propeta? ang sarili ba niya o ibang tao? Pagkatapos ay binuksan ni Felipe ang kanyang bibig at nagsimula sa gayun ding kasulatan, at ipinangaral sa kanya si Jesus” (Mga Gawa 8:34-35).

Hindi tayo makakagawa ng mas mahigit pa kaysa sinaunang Targum, ang mga antigong guro, ang ebanghelistang si Felipe o sa mga komentarista ng kapanahonan. Ang bawat salita ng ating teksto ay ang hula ng Mesias, ang Panginoong Jesu-Kristo.

I. Una, ating nakikita ang Kanyang paglilingkod sa Diyos.

Ang Diyos Ama ang Syang nagsasabi ng mga salita sa berso 13,

“Narito, ang lingkod ko ay gawang may karunungan, siya ay magbubunyi, at malalagay na mataas at maging napakataas” (Isaias 52:13).

Sinasabi ng Diyos sa atin na tumingin sa Kanyang “lingkod” Noong si Jesus ay bumaba sa lupa, Kanyang,

“Ginawa ang kanyang Sarili na walang dangal at kinuha ang kalikasan ng isang lingkod at nagiging kawangis ng tao”
      (Filipos 2:7).

Bilang Lingkod ng Diyos dito sa lupa, si Kristo'y nakikitungo ng may kabaitan at kumilos ng may karunungan. Lahat ng sinabi at ginawa ni Jesus sa panahon ng Kanyang ministeryo dito sa lupa, ay ginawa ng may dakilang karunungan. Bilang isang maliit na batang lalaki sa loob ng Templo, ang mga guro ay namangha sa kanyang karunungan. Ang mga Fariseo at mga Saduceo, ay hindi makasagot sa Kanya, at natikom ang bibig ni Pilato, ang gobernador ng Roma nang Siya’y magsalita.

Samakatuwid sinabi ng ating teksto, ang patungkol sa lingkod ng Diyos,

“Siya ay magbubunyi, at malalagay na mataas at maging napakataas” (Isaias 52:13).

Ang mga salita sa makabagong Ingles ay maaring isalin bilang “ibinangon” itinaas at dinadakilang lubos.” Itinutukoy ni Dr. Young na “Hindi maaring magbasa ng ganitong mga salita na walang pagpapaalala ng pagpaparangal kay Kristo na inilarawan doon sa Mga Taga Filipos 2:9 hanggang 11 at sa Mga Gawa 2:33” (Edward J. Young, Ph.D., The Book of Isaiah, Eerdmans, 1972, volume 3, p. 336).

“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan” (Filipos 2:9).

“Ang Jesus na ito’y binuhay na maguli ng Dios, at tungkol dito’y mga saksi kaming lahat. Palibhasa nga’y pinangaral ng kanang kamay ng Dios, ay ibinuhos niya ito” (Mga Gawa 2:32-33).

“Narito, ang lingkod ko ay gawang may karunungan, siya ay magbubunyi, at malalagay na mataas at maging napakataas” (Isaias 52:13).

Magbubunyi - “ibinangon” Malalagay na Mataas - “itinaas” Napakataas “dinadakilang lubos “Narito ang mga salitang nagpapakita ng proseso ng pag-angat ni Kristo. Bumangon Siya mula sa mga patay! Itinaas Siya hanggang sa Langit noong pumaitaas Sya. Siya ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos dumadalangin para sa iyo. Nagbunyi - “ibinangon”! Malalagay na Mataas - “itinaas.” Napakataas - kahit sa kanang kamay ng Diyos sa Langit! Amen!

Itinaas Sya upang mamatay,
   “Tapos na,” ang Kanyang sigaw;
Ngayo’y nasa langit at nagbubunyi;
   Alleluya! O! anong Tagapagligtas!
(“Alleluya, O! anong Tagapagligtas!” sinalin mula
   “Hallelujah! What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

“Narito, ang lingkod ko ay gawang may karunungan, siya ay magbubunyi, at malalagay na mataas at maging napakataas” (Isaias 52:13).

Si Jesus ay, magpa-kailanman ang maging, Lingkod ng Diyos Ama - Dios Anak ibinangon mula sa mga patay, umakyat sa Langit nakaupo sa kanang kamay ng Ama! Alleluya! O! anong Tagapagligtas!

II. Pangalawa, ating nakikita ang Kanyang sakripisiyo para sa kasalanan.

Pakibasa ng malaakas ang berso 14.

“Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa ang mga anak ng mga tao” (Isaias 52:14).

Sabi ni Dr. Young na yung mga nakakita “sa kakila-kilabot na pagkasira ng mukha ng lingkod, [ay maging] manlumo at masindak na may takot dahil sa lubhang pagkasira ng Kanyang mukha. Napakalubha na di na nag-anyong tao…Ang Kanyang anyo ay lubhang nasira kaya’t di na Siya magmukhang tao. Ito ay sukdulang malakas na paraan ng pagsabi kung gaano kadakila ang Kanyang paghihirap” (ibid., pp. 337-338).

Lubhang sinira ang anyo ni Jesus sa panahon ng Kanyang matinding paghihirap. Noong gabi bago Siya ipinako Siya’y nagnanangis.

“At ang Kanyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lukas 22:44).

Ito ay noong bago Siyang dakpin. Doon sa kadiliman ng Gethsemane, ang hatol para iyong kasalanan ay nagsimulang nahulog kay Kristo. Nang dumating ang mga kawal upang Siya’y dakpin, Siya’y basang-basa na mala-dugong pawis. Pagkatapos kinuha nila Siya at hinampas sa mukha. Sabi sa atin ni Isaias na ang Naghihirap na Lingkod ay nagsabi,

“Aking ipinain ang aking likod sa mga manankit, at ang aking mga pisngi sa mga bumabatak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura” (Isaias 50:6).

Ang sabi ni Lukas “Hinampas nila Siya sa mukha” (Lukas 22:64). Sabi ni Marcos, na “siya’y [nahampas]” ni Pilato (Marcos 15:15). Ang sabi ni Juan,

“Nang magkagayon ngya’y tinangnan ni Pilato si Jesus, at siya’y hinampas. At ang mga kawal ay nanggagkamakama ng isang putong na tinik at ipinutong sa kinyang ulo, at siya’y sinuutan ng isang balabal na kulay-ube; At sila’y nagsilapit sa kaniya, at nangagsabi, Magalak, Hari ng mga Judio! At siya’y kanilang pinagsuntukan” (Juan 19:1-3).

Pagkatapos kanilang ipinako ang Kanyang mga kamay at paa sa Krus. Ani Dr. Young, “Ang Kanyang wangis ay lubhang nasira kung kaya hindi na Sya nag mukhang tao" (ibid., p. 338).

“Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa ang mga anak ng mga tao” (Isaias 52:14).

Ang The Scofield Study Bible ay may nasabi tungkol sa bersong ito. Ang karani- wang salin nito ay kakila-kilabot: Lubhang nasira mula sa anyo ng taong- katayuan nang ang kanyang pagmumukha’y di na mawari kung ito ba ay mukha ng anak ng tao, i.e. hindi tao-ang epekto o bunga ng mga kalupitan, inilarawan sa Mateo 26…”


Kasabay ng mga tinik ang Kanyang katawan namumuong dugo at laslas;
Agos ng dugo mula sa bawat bahagi:
Ang Kanyang likod may buhol-buhol na hagupit,
Ngunit ang mga matatalim na hagupit ang syang pumunit sa Kanyang puso.

Ipinakong hubad doon sa isinumpang kahoy,
Nilantad sa lupa at sa itaas ng langit,
Ang tanghalan ng mga sugat at dugo,
Ang kababalaghan ng sinugatang pag-ibig.
   (Sinalin mula “Thine Unknown Sufferings”
      ni Joseph Hart, 1712-1768).

At bakit, mahal na Tagapagligtas, sabihin mo sa akin bakit
Ikaw na dugo-ang nakahigang naghihirap?
Anong makapangyarihang hangarin ang Iyong hakbang?
Ang hangarin ay maliwanag - Ang lahat ay para sa pag-ibig!
   (Sinalin mula “Gethsemane” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Bakit, mahal na Tagapagligtas, sabihin mo sa akin bakit ang Iyong ka-anyoan ay “lubhang nasira kaysa sa bawat tao, at ang Iyong anyo ay hindi na magmukhang tao”? Ang sagot ay ibinigay sa huling berso 12 sa ika-53 kapitulo. “Taglay Niya ang kasalanan ng marami” (Isaias 53:12). Ito ang Kanyang sakripisiyo para sa inyong mga kasalanan, isang sakripisyong kapalit mo. Si Kristong naghirap at namatay para sa inyong mga kasalanan, Kapalit mo - doon sa Krus! Sa ganiyan, ang ating nakikita ang paglilingkod ni Kristo sa Diyos. Sa ganiyan, nakikita natin ang sakripisiyo ni Kristo upang mabayaran ang inyong kasalanan.

III. Pangatlo, ating nakikita ang Kanyang kaligtasan na isinabuhay.

Maaring tumayo at basahin ng malakas ang Isaias 52:15.

“Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka’t ang kanilang makikita: at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa” (Isaias 52:15).

Maari na po kayong magsiupo. Sabi ni Dr. Young, na sa bersong ito, ang sakripisiyo at paghihirap ni Kristo sa berso 14 ay ipinaliwanag at ginaganap,

Ang propeta nagpaliwanag bakit nasira ang anyo ni Kristo. Kaya… sa ganitong kalagayan ng pagkasira, “siya magwiwisik sa maraming bansa.” Ang isang nasira na Lingkod gumawa para sa iba, dito kanyang ganapin ang serimonya ng pag dadalisay. Ang Kanyang pagkasira (sa Kanyang paghihirap) ay isang kalagayan na kung saan Sya mismo ang magdala ng paglilinis sa mga bansa. Ang pandiwang “gayon siya magwiwisik” (nagsasabi ng) ang pagwiwisik ng tubig o dugo ay bilang panlinis. Ito’y Gawain ni Kristo (bilang saserdote) na dito itinalaga at ang layunin ng ganitong gawain ay magdala ng paglilinis at paglilinis para sa iba… Siya mismo bilang saserdote ang magwiwisik ng tubig at dugo at kaya makalilinis ng maaraming bansa. Ginawa Niya ito bilang naghihirap, kung saan ang paghihirap Niya ay para sa paglilinis at magbubunga ng malalim na pagbabago ng saloobin sa sino mang tumingin sa Kanya (ibid, pp. 338-339).

Sa wastong katuparan ng ganitong hula, ang pangangaral ng ebanghelyo ni Kristo, nagpapalaya mula sa pagkaalipin ng Judaismo at naging pandaigdigang relehiyon. Mula sa pinakaunang siglo “maraming bansa” ang napangaralan na at mga tao sa buong sanlibutan ang naging malinis na sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, nagdadala sa kanila patungo sa kaligtasan kay Kristo Jesus, sabi ni Dr. Young, “Ang malalim na pagbabago ng saloobin sa sinomang tumingin sa kanya.” Bagaman hindi lahat ng mga hari ng mga bansa sa sanlibutan ang naging ligtas na mga tao, ngunit sa lahat ang unang kasaysayan ng paglaganap ng Kristiyanismo, kahit papano sila “tikom ang kanilang mga bibig sa Kanya” at naging sa pangalan lamang mga kristiyano at hindi nagsasalita laban sa Kanya. Kahit sa kasalukuyan, ang mabuting babaeng, si Reyna Elizabeth II tikom ang kanyang bibig sa Kanya at palihim na yumukod ng paggalang sa Kanya doon sa Westminster Abbey habang naganap ang Pista ng Kristyano gaya ng Kapaskohan. Marami pang ibang monarka dito sa Kanlurang bahagi ng sanlibutan at sa dakung Silangan, kahit papano ay nagbigay ng panlabas na dangal sa Kanya at marami sa kanila gaya ni Reyna Victoria, ay nagbigay din ng mas higit pa sa pagpapakita lamang ng respetong panlabas sa Kanya. Sa katunayan, gayun din ang ginawa ni Emperor Constantine noong mga unang taon ng Kristiyanismo at gayun din ang ginawa ng iba pa.

“Sapagka’t ang hindi nasaysay sa kanila ay kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa” (Isaias 52:15).

Bilang hula dito ng propeta, ang ebanghelyo ni Kristo napalaganap sa lahat ng daku ng mga bansa sa buong mundo,

“Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa” (Isaias 52:15).

Kahit ang pangulo ng Estados Unidos, Kristiyano sa pangalan lamang, yumukod ang kanyang ulo tuwing Lingo sa bahay sambahan at tikom ang bibig sa Kanya.

Ngunit kailangan kong sabihin na itong kahanga-hangang hula ay hindi pa lubos naisabi sa Europa, sa United Kingdom at America bilang ito’y minsang ginawa. Ang mga simbahan sa Kanluran ay nasa kalituhan at kaligaligan dahil sa pagpasok ng “Liberalismo” na pagsalakay sa Bibliya, at ang panghihina ng mga simbahan sa pamamagitan ng pagpapasalungat ng ebanghelyo ni Finney, at ng makabagong tagasunod ng kanyang maka-demonyong paraan ng “kapasyahan” sa kanyang magkakaibang anyo. Ngunit, sa malawak na Pangatlong Mundo ang makapangyarihang pagkamulat at pagmumuling buhay, minsan ay nasumpungan sa gitna ng paglisan at pagpapabaya ng mga dating mananampalataya, ang mga nanghinang mga simbahan sa Kanluran, ay nananatiling yumayabong. Ang mga puso natin ay nagagalak noong tayo’y makakabasa ng mga salaysay ng napakarami sa China, Southeast Asia, Africa, India, South at Central America at Mexico na naguumapaw tungo sa ebanghelyong pinapangaral sa maraming simbahan sa mga oras na ito! Oo, madalas silang inuusig, ngunit bilang Tertullian sinabi noong ikalawang siglo, ang dugo ng mga martir ay siyang binhi ng simbahan! At ito ay totoo ngayon saan mang daku kung ano ang madalas ilarawan bilang “pangatlong mundong” mga bansa. Habang ang America at ang Kanluran sa kabuuan, ay nahuhulog mula sa kanilang Kristiyanong nakaraan at nawawala na sa pagiging makatao, nakikitang spiritual na pagkalito, ngunit gaya ng sabi ng dakilang Spurgeon hinulaang,

Si Jesus sa Kanyang pananalita bilang hamog at dalisay gaya ng ulan winisik hindi sa mga Judio lamang kundi sa mga bayan ng mga Gentil saan mang daku. Lahat ng lupain makakarinig tungkol sa Iyo at makaramdam sayo bumababa gaya ng ambon sa ginapas na damo. Ang takipsilim ng mga lipi sa malalayo, at ang mga naninirahan sa lupain saan lulubog ang araw ay nakakarinig ng Iyong aral at makakainom niyaon… Iyong  didiligin   ang  maraming  mga  bansa  ng  Iyong  mapagbiyayang  salita  (ibid., p. 248).

Ang hulang mensahe ni Spurgeon ay mas nagkatotoo sa kasalukuyan kaysa noong sinalita pa lamang niya ang gayong mga salita nakalipas na ang daang taon. At tayo’y magalak na ganoon nga! Amen!

Ang ganitong pangako ay hindi lubusang natupad. Ngunit matutupad - dahil ang bibig ng Panginoon ang nagsabi nito - sa pamamagitan ng propeta Isaias na sinabi,

“Ang mga bansa ay kusang lalapit sa iyong liwanag” (Isaias 60:3).

“Ang mga kawal ng mga bansa ay kusang lalapit sa iyo”
        (Isaias 60:5).

“Masdan, sila ay darating mula sa malayo at narito sila’y mula sa Hilaga at mula sa Kanluran at sila’y mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).

Si James Hudson Taylor, ang maagang misyonero para sa China ay madalas na sinasasabing ang “Sinim” ay ang lupain ng China. Gayun din ang The Scofield Study Bible, sa kanyang palatandaan sa Isaias 49:12 Paano natin pagsalungatin si Taylor at ang palatandaan ng Scofield gayung nakikita na natin sa ating mga mata na ito’y nangyayari na sa kasalukuyan sa China? Talagang ito ay totoo sa pinakamunting pagsasabuhay! Libo-libo ang nabago para kay Kristo bawat oras doon sa People’s Republic of China, at marami pang ibang malalayong lupain at magsaya tayo dahil ganoon nga!

Habang ang America ay sadyang pinapatay sa pamamagitan ng pagpatay ng mga walang kalaban-labang mga sanggol 3,000 bawat araw at ang mga simbahan ay nagsipagsara na rito bawat libo-libo. Ngunit doon sa mga malalayong lupain ang gawain ng Diyos ay lumalago at nagtatagumpay! Bigyan pa sila ng Diyos ng mas marami pang maliligtas! Bigay ng Diyos na ang mga taong nakakikilala kay Kristo at kusang loob namagpapakahirap para sa kanyang pangalan, nawa’y mananaig sa gitna ng mga bansa!

Ngunit nais kong magtanong sa iyo ngayong umaga, nakilala mo na ba si Kristo? Tumingin ka na ba ng may pananampalataya sa Kanya na “lubhang nasira kaysa bawat tao” upang bayaran ang kaparusahan ng iyong kasalanan - oo para sa iyo! Winisik Niya na ba ng kanyang Dugo ang iyong kasalanan, nakasulat na ba sa aklat ng Langit? Nahugasan ka na ba’t nalinis sa pamamagitan ng Dugo ng Cordero ng Diyos na nag alis ng kasalanan sa sanlibutan? At kung hindi pa, nais mo bang ‘itikom ang iyong bibig’ sa Kanyang harapan at yumuko ng nakaluhod kay Jesus, at tanggapin Siya bilang iyong sariling Panginoon at Tagapagligtas? At nais mo bang gawin ito ngayon?

(KATAPUSAN NG SERMON)
Iyong mababasa ang sermon ni Dr. Hymers bawat lingo sa internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral Sa Tagalog.”

Kasulatang Binasa Bago ang Pangaral ni Dr. Kreighton L.Chan: Mateo 27:26-36.
Nag-iisang Inawit Bago ang Pangaral ni Ginoong Benjamin Kincaid Griffith:
“Pagmamahal habang may Matinding Paghihirap”
(Sinalin mula “Love in Agony” ni William Williams, 1759;
kinanta sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).


ANG BALANGKAS NG

ANG PAGHIHIRAP AT TAGUMPAY NG LINGKOD NG DIYOS!
(Pangaral Bilang 1 mula sa ISAIAS 53)

Ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Narito, ang lingkod ko ay gawang may karunungan, siya ay magbubunyi, at malalagay na mataas at maging napakataas. Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao). Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka’t ang kanilang makikita: at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.” (Isaias 52:13-15).

(Mga Gawa 8:34-35)

I.   Una, ating nakikita ang Kanyang paglilingkod sa Diyos,
Isaias 52:13; Filipos 2:7, 9; Mga Gawa 2:32-33.

II.  Pangalawa, ating nakikita ang Kanyang sakripisiyo para sa
kasalanan, Isaias 52:14; 50:6; 53:12; Lukas 22:44, 64;
Marcos 15:15; Juan 19:1-3.

III. Pangatlo, ating nakikita ang Kanyaang kaligtasang isinabuhay,
Isaias 52:15; 60:3, 5; 49:12.