Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MODELO NG PAGBABAGONG LOOB

(PANGARAL BILANG 1 SA MAPAGLUSTAY NA ANAK)

THE ARCHETYPE OF CONVERSION
(SERMON NUMBER 1 ON THE PRODIGAL SON)
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-25 ng Agosto taon 2013

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).


Ang Parabula ng Mapaglustay na Anak ay isa sa pinaka iniibig na kwento sa Bibliya. Ngunit ito’y madalas na mali ang pagkakahulugan ngayon. Susubukan kong iwasto ang pagkakamaling iyan ngayong gabi sa aking sermon, “Maling Pagkakahulugan ng Mapaglustay na Anak.” Umaasa ako na ika’y babalik upang marinig ito sa 6:30. Mayroon kaming hapunan para sa iyo pagkatapos, kaya bumalik mamayang gabi!

Lahat ng mga lumang mga kumentaryo ay nagsasabi na ang Mapaglustay na Anak ay nawawala. Sinasabi nila na ang parabulang ito ay naglalarawan ng kanyang pagbabagong loob. Ngunit sinabi ni Billy Graham at ng iba na hindi ito isang larawan ng pagbabagong loob. Sinasabi ng mga desisyonista na ito talaga ay ay isang larawan ng muling paglalaan ng isang nanumbalik sa dating kasamaang Kristiyano. Paano na ang lahat ng mga luang kumentaryo ay mali? Sila’y hindi mali. Ang makabagong interpretasyon ay mali. Kita mo, kinailangang gawin ng mga makabagong mangangaral itong isang muling paglalaan dahil hindi sila kailan man nakakita ng muling pagbabagong loob na tulad nito. Iyan ang dahilan na kahit isang dakilang guro ng Bibliya na tulad ni Dr. McGee ay nagkamali rito – tulad ng ipapakita ko sa detalya nito sa mamayang gabing sermon.

Sa ika-dalawampung siglo, ginawa ng “desisyonismo” ang pagbabagong loob na isang mababang uring bagay – itaas mo lang ang iyong kamay at ika’y ligtas. Ibigkas mo lang ang isang madaling panalangin tulad ng isang parot at ika’y ligtas. Kaya, sa ika-dalawampung siglo, hindi na nakakita ang mga mangangaral ng mga pagbabagong loob tulad niyan sa Mapaglustay. Bilang direktang bunga ng “desisyonismo” kinailangang ipakahulugang muli nina Billy Graham at ng iba ang parabola na isang muling paglalaan kaysa isang pagbabagong loob. Imbes na hayaan ang parabulang magsalita para sa sarili nito, mababasa na ngayon nila ito sa pamamagitan ng mga “salamin” ng “desisyonismo.” Kahit isang dakilang guro ng Bibliya tulad ni Dr. McGee ay nalito ng desisyonismo. Kaya sinabi niya, “Hindi ito isang larawan ng isang makasalanan na naligtas…intindihin natin kung ano una sa lahat patungkol ang parabola. Ang parabula ay hindi kung paano naliligtas ang isang makasalanan; inilalantad nito ang puso ng isang Ama na hindi magliligtas ng isang makasalanan ngunit kukunin ang isang anak na nagkakasala” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 314; mga sulat sa Lucas 15:14).

Naniniwala ako na si Dr. McGee ay nalito sa bagay na ito ni Lewis Sperry Chafer, ang nakatagpo ng Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas. Si Dr. Chafer ay isang malakas na kalaban ng lumang istilong krisis na pagbabagong loob. Itinuro niya ang isang anyo ng “Sandemaniyanismo” – ang ideya na tayo ay ligtas sa pamamagitan ng simpleng paniniwala na sinasabi ng Bibliya tungkol kay Kristo. Mukhang nakuha ni Dr. McGee ang ideyang ito ng Mapaglustay na Anak bilang isang “muling paglalaan” mula kay Lewis Sperry Chafer. Kung ang isang nagbabasa ng sermon ito ay sisiyasatin ang sinabi ni Dr. Chafer tungkol sa Mapaglustay na Anak, ipadala sa akin ang pinagmulan, akin itong ikalulugod. Ang huwad na ideya na ito ay kumalat sa ika-dalawampung siglo. Si Billy Graham ay nagsalita tungkol sa Mapaglustay bilang isang nanumbalik sa dating kasamaan na bunanumbalik sa dating kasamaan na bumalik sa Diyos. Sinabi niya, “hinihingi ko na inyong muli ninyong patibayin ang inyong kompirasyon. Hinihingi ko na kayo’y bumalik sa Diyos ngayong gabi.” Sinabi niya ang ganoong uri ng mga bagay sa bawat pagkakataon na siya’y nangaral sa Mapaglustay na Anak sa kanyang dakilang mga krusada, ikinalat sa buong Amerika sa pangunahing oras na telebisyon sa ng limampung taon. Kaya ngayon iyan ang iniisip ng karaniwang ebanghelikal sa Amerika patungkol sa Mapaglustay na Anak. Ngunit ito’y lubos na nakalilito! Bakit? Dahil ang Parabula ng Mapaglustay na Anak ay hindi tumutukoy sa muling paglalaan! Tumutukoy ito patungkol sa tunay na pagbabagong loobat ang dalawang ito ay hindi parehas! Ang pagbabagong loob ay isang bagay na ginagawa ng Diyos sa iyo. Ang muling paglalaan ay isang bagay na gagawin mo. Sa muling pagbabagong loob, ang Espiritu ng Diyos ay gigising sa makasalanan at pakikilusin siya na iwanan ang kulungan ng baboy ng kasalanan, dinadala siya kay Kristo. Kung ang isang tao ay mag muling maglalaan lamang ng kanyang buhay siya’y pupunta sa Impiyerno. Bakit? Dahil ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya, at ang muling paglalaan ay sa pamamagitan ng gawa. At ang mga gawa ay hindi kailan man nagliligtas ng kahit sino!

Lahat ng mga lumang kumentaryo, na nasulat bago ng desisyonismo, ay nagsabi na ang Mapaglustay na Anak ay isang nawawalang tao. Halimbawa, sinabi ni Kumentaryo ni Mathew Henry na ang salitang “anak” ay hindi nangangahulugan na siya’y ligtas, kundi “kumakatawan sa Diyos bilang ang karaniwang Ama ng lahat ng sangkatauhan.” Sinabi rin ni Henry na ang parabula ay ibinigay “upang ipakita kung gaano nakalulugod sa Diyos ang pagbabagong loob ng isang makasalanan” (Isinalin mula sa Hendrickson Publishers, 1996 edisiyon, kabuuan 5, p. 598; sulat sa Lucas 15:11-32). Ganyan ang paraan na ipinaliwanag ng mga klasikal na mga kumentaryo bago ng ika dalawampung siglong desisyonismo, ang parabula.

Pagwawalang bahala sa mababaw na desisyonismo ng ika dalawampung siglo, ating isipin ang tunay na kahulugan ng Parabula. Ito’y ang ikatlo sa listahan ng tatlong mga parabula na ibinigay ni Hesus sa mga Fariseo. Kanilang kinukutya si Hesus dahil Kanyang “tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila” (Lucas 15:2). Upang ipaliwanag kung bakit Kanyang tinanggap ang mga makasalanan at kumain kasama niya, nagbigay si Hesus ng tatlong mga parabula – tatlong maliliit na mga kwento na may aral sa mga ito. Una, ibinigay Niya ang Parabula ng Nawawalang Tupa (Lucas 15:3-7). Pangalawa, ibinigay Niya ang Parabula ng Nawawalang Barya (Lucas 15:8-10). Pangatlon, ibinigay niya ang Parabula ng Nawawalang Anak – na kanyang madalas na “ang Mapaglustay” (Lucas 15:11-32). Ang lahat ng tatlong mga parabula ay tungkol sa kaligtasan ng isang nawawalang tao. Ang lahat ay sumasang-ayon na ang unang dalawang mga parabula ay tungkol sa isang nawawalang taong naliligtas. At ang bawat nag-iisang kumentador bago ng ika dalawam pung siglo ay nagsabi na ang pangatlong parabula ay tungkol sa isang nawawalang taong naliligtas! Ang sulat sa Scofield ay tumatawag ritong ang “Parabula ng Nawawalang Anak” (Isinalin mula sa Ang Pag-aaral na Bibliya ng Scofield, 1917 edisyon). At iyan sakto ito. Sa Lucas 15:24 ang sariling anak ng batang lalake ay nagsabi na siya ay patay sa espirituwal, at na siya ay nawawala!

“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay [ang bagong pagkapanganak]; siya'y nawala, at nasumpungan…” (Lucas 15:24).

Ang Parabula ng Mapaglustay na Anak ay ibinigay ni Kristo bilang isang modeloisang halimbawa ng isang tunay na pagbabagong loob. Ang pagbabagong loob ni Pablo ay sinundan ang modelong ito. At ang halimbawa ng pagbabagong loob ng Mapaglustay ay naranasan ng lahat ng mga dakilang mangangaral hanggang sa ika dalawampung siglo – na may pagpaliban sa Pelagianong eretikong si Finney. Magbasa ng kaunting kasaysayan ng Kristiyano at makikita mo kung gaano mga dakilang Kristiyano ay nagkaroon ng pagbabagong loob na base sa modelo ng pagbabagong loob ng Mapaglustay. Ang pagbabagong loob ni Agustin ay sinundan ang modelo. Gayon din ang pagbabagong loob ni Luther, Bunyan, Whitefield, parehong ng mga magkapatid na mga Wesley, lahat sila ay napagbagong loob sa loob ng Una at Pangalawang Dakilang Paggising (1730-1840), gayon din ang mga pagbabagong loob nina C. H. Spurgeon, R. A. Torrey, at isa sa mga pinakadakilang mangangaral ng lahat ng panahon, ang ebanghelistang si Dr. John Sung ng Tsina. Ang lahat ng mga kalalakihang ito ay napagbagong loob noon kanilang naranasan ang modelo pagbabagong loob ng Mapaglustay.

Siya nga pala, iniisip ko na isa sa mga dahilan na ibinigay ni Kristo ang Parabula ng Mapaglustay – ay upang bigyan tayo ng isang larawan ng pagbabagong loob. Wala nang iba sa apat na mga Ebanghelyo na nagbigay si Kristo ng isang detalye ng paglalarawan kung paano nagaganap ang isang pagbabagong loob. Oo, ang testimony ni Pablo ay naitala ng tatlong beses sa Mga Aklat ng Mga Gawa – ngunit aking idinidiin na ang pagbabagong loob ni Pablo ay sinundan ang modelo, na inilatag ni Kristo, maraming taon bago napagbagong loob si Pablo, noong ibinigay sa atin ng Panginoon ang Parabula ng Mapaglustay.

(I-klik ito upang mabasa ang aking sermon na pinamagatang, “Maling Pagkakahulugan ng Mapaglustay na Anak.”s Dapat mo itong basahin kasama ng sermon na ito).

Gaya ng sinabi ko sa simula, ang Parabula ng Mapaglustay ay naging isa sa mga pinaka-iibig na mga pasahe ng Bibliya. Ang dahilan ay dahil ipinapakita nito ang isang nawawalang makasalanan ang modelo na dapat niyang maranasan upang maligtas. At kasama niyang mahabang pambukas na iyan, mappupunta tayo sa katawan ng sermon mismo. Ang teksto ay simpleng,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Ngayon sinasabi ko na ang pagbabagong loob ng Mapaglustay ay isang modelo dahil ipinapakita nito ang lahat ng mga element na nagaganap kapag ang isang tao ay tunay na napagbabagong loob. Ang teksto ay simple,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Mayroong iba’t ibang mga hakbang sa pagbabagong loob, at nakikita natin ang mga ito sa karanasan ng Mapaglustay. Una, nariyan ang hakbang kapag ang isang binata ay gustong maging mapagdepende sa sarili mula sa kanyang ama. Hindi niya na gusto na ang kanyang ama ang ikontrol siya. Gusto na niyang maging “malaya.” Hindi itinanggi ng Mapaglustay ang pagkabuhay ng Diyos. Nagpunta siya sa mga relihiyosong paglilingkod kasama ng kanyang mga magulang. Ngunit malalim sa kanyang puso ay nakatago ang isang pagnanasa para sa tinawag na “kalayaan.” Gusto niyang itapon ang lahat ng mga batas at regulasyon ng kanyang ama. Naisip niya na maaring magkaroon ng isang nakatutuwang karanasan na hindi niya kailan man natamasa. Gusto niyang malasahan ang mga bunga ng ipinagbabawal na mundo na hindi niya kailan man natamasa noon. Siya ay isang lalake na ngayon, at gusto niyang maging responsible sa kanyang sarili, at gawin ang sarili niyang mga batas, kaysa maging nasa ilalim ng kontrol ng kanyang ama. Kung mayroon kang mga pag-iisip na tulad nito, naway, “makapagisip” ka ngayon, bago ka mapunta sa pagkasira at kahihiyan na darating kung magpapatuloy ka sa mga mapagrebeldeng mga pag-iisip na ito.

Ngunit malapit na na Mapaglustay ay dumating sa isa pang hakbang. Kanyang natanggap ang kanyang pamana ng mas maaga, bago ng kamatayan ng kanyang ama. Kinuha niya ang pera at tumakbo papalayo sa isang malayong bansa. Ngayon gagawin niya ang lahat ng mga bagay na kanya lamang mapanaginipan noon. Gumugol siya ng mga araw at gabi na tinatamasa ang “nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala” (Mga Taga Hebreo 11:25).

Hindi nagtagal napunta siya sa pangatlong hakbang, noong kanyang “nagastos na ang lahat.” Ngayon wala nang makatutupad ng kanyang gutom. Lahat ng kanyang mga kasalanan ay nagbigay sa kanya ng walang katuparan ngayon. At ito’y nasa isang teribleng kondisyon na siya’y napunta sa pang-apat na hakbang – “Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17) – o gaya ng paglagay nito sa isang makabagong pagsasalin, “Siya’y dumating sa kanyang diwa.”

Anong isang hangal siya’y naging! Siya’y tulad ng isang baliw na tao, nagpupunta mula sa isang kasalanan sa isa pa. Nakakita kami ng mga kabataan na gumawa ng mga mabangis at di pangkaraniwang mga bagay. Nakakita kami ng mga kabataan na lumayo ng lubos sa kasalanan na sa wakas kanilang iniwan ang ating simbahan. Nakita namin silang lumubog na mas malalim sa kasalanan. Wala nang makapipigil sa kanila ngayon. Hindi nila kailan man naisip na sila’y magpupunta ng lubos sa kasalanan. Maari silang magtagumpay sa pangangalakal at lumabas na mainam, ngunit patungkol sa mga bagay ng Diyos sila’y tulad ng mga hayop, na walang kapayapaan sa kanilang puso, at walang pag-asa sa mundo.

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Iyan ang unang gawain ng biyaya sa puso ng isang nawawalang makasalanan. Ang Banal na Espiritu lamang ang makagagawa sa isang makasalanan na mapunta sa kanyang diwa at magsimulang mag-isip tungkol sa kanyang buhay, at kanyang walang hanggang tadhana. Huwag makinig sa Diablo kung sasabihin niya sa iyo na maari kang bumalik palagi, tulad ng Mapaglustay. Huwag kang sumalalay rito! Makapupunta ka lamang kung dadalhin ka ng Diyos, at walang katiyakan na ika’y Kanyang dadalhin kung ika’y sadyang mapupunta sa kasalanan! Maari niyang sabihin, “Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya” (Hosea 4:17). Kumuha tayo ng ilang minuto upang makita kung paano na ang Parabula ng Mapaglustay ay maglalantad ng pagbabagong loob ng isang nawawalang makasalanan.

I. Una, ang nawawalang makasalanan ay nakapagiisip.

“Nang siya’y nakapagisip” – noong siya’y napunta sa kanyang diwa. Ito ang unang tanda ng biyaya ng Diyos na kumikilos sa iyong buhay.

Minsan ang pagbabagong ito ay mangyayaring biglaan. Ganyan nangayri ito kay Gg. Griffith, na kumanta ilang sandali kanina, “Panginoon, Uuwi na Ako.” Naranasan niya ang isang lumang istilong, biglaang pagbabagong loob. Dumating siya sa asimbahan kasama ng isang kaibigan. Nangangaral ako ng malakas sa kasalanan at paghahatol. Sinabi ng kanyang kaibigan, “Alis na tayo.” Sabi ni Griffith, “Sandali, gusto kong marinig ito.” Yoong isa pang lalake ay umalis, literal na lumalayas mula sa tunog ng aking tinig. Si Griffith ay nanatili. Napunta siya sa ilalim ng kombiksyon ng kasalanan. “Siya’y nakapagisip.” Naisip niya, “tama ang mangangaral. Ako’y isang makasalanan.” Sa oras na iyon, kanyang pinagkatiwalaan si Hesus at naligtas. Nagpupuri akong lubos kapag naririnig ko ito! Siya’y naging kasing puno ng paghahangad para sa mga bagay ng Diyos katulad niya noon para sa mga bagay ng kasalanan. Kilala siya ng lahat at masasabi na ang pagbabago ng kanyang buhay ay totoo, kahit na dumating itong biglaan sa unang beses na narinig niya ang Ebanghelyo. Ganyan napagbagong loob si Dr. Chan. Ganyang napagbagong loob ang aking asawa. Ganyang napagbagong loob si Melissa Sanders. Ganyan ang paraan na si Gng. Cagan, at maraming iba sa ating simbahan ay napagbagong loob. Dumating sila sa kanilang diwa ng biglaan – nagtiwala sila kay Hesus ng biglaan. At sila’y naligtas sa unang beses na kanilang narinig ang Ebanghelyong ipinangaral!

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Sa kabilang dako, minsan ang pagbabagong ito ay dumarating na napaka unti-unti, napaka dahan dahan. Ganyan napagbagong loob si Gg. Song. Nagpunta siya sa simbahan at nagpunta sa silid ng pagsisiyasat pagkatapos ng pangaral. Dumating siya muli’t muli. Mayroon siyang sariling paraan ng pag-iisip. Nagsimula siya makipagtalo sa amin habang sinubukan namin siyang ituro kay Kristo. Isang araw nagkipagtalo siyang may kalakasan sa akin at aking siyang pinaglitan. Nilisan niya ang simbahan at nagpunta sa isang Katolikong pari. Ngunit hindi siya natulangan ng lalake. Nagpunta siya sa isang liberal na Protestanteng ministor, ngunit wala siyang nakuhang tulong din. Sa wakas binuksan niya ang telebisyon at nakita ang bahagi ng isang pelikula tungkol kay Hesus. Kahit paani nagsalita ang Diyos sa kanya, siya’y lumuha. Sa sunod na Linggo nakita ko siyang padating sa paglilingkod, ang kanyang pagkayabang ay nawasak. Nagtiwala siya kay Hesus. Siya’y napagbagong loob,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Isa sa ating mga binata ay pinalaki sa ating simbahan. Siya’y isang Tsinong bata. Nakipaglaban siya at nakipaglaban. Kanyang nilalabanan si Hesus – naghahanap ng isang pakiramdam, kaysa pagpapatawad para sa kasalnan. Tapos isang umaga nakita ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Siya ay pagod na pagod na mula sa pakikipaglaban. Pinaluhod ko siya sa tabi ng kanyang ina, at nagtiwala siya kay Hesus. Siya’y napagbagong loob,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Isa pang binata ay dumating muli’t muli sa silid ng pagsisiyasat. Siya’y nasa ilalim ng malalim na kumbiksyon, ngunit tumanggi siyang magpunta kay Hesus sa simpleng pananampalataya. Umiyak siya tuwing siya’y nagpunta sa silid ng pagsisiyasat, ngunit hindi siya ligtas. Sa wakas siya’y umiiyak at umuungol ng napaka tindi na akala ko siya’y magkakaroon ng kombulsyon. Sinabi ko sa kanyang magpunta sa banyo at hugasan ang kanyang mukha. Tapos bumalik siya, sumipi ako ng isang lumang istilong himno sa kanya,

Ang aking kasigasigan ba’y walang pahingang kilala,
   Ang aking mga luha ba’y aagos na magpakailan man,
Lahat para sa kasalanan hindi makapagbabayad;
   Ikaw dapat ay magligtas, at Ikaw lamang.
Bato ng mga Panahon, magbiyak para sa akin,
   Hayaan akong itago ang aking sarili sa Iyo.
(“Bato ng mga Panahon.” Isinalin mula sa
     “Rock of Ages, Cleft For Me” ni Augustus M. Toplady, 1740-1778).

Pinagkatiwalaan niya sai Hesus at siya’y naligtas,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Si Gg. Lee ay dumating sa simbahan at mukhang nagtiwala kay Hesus. Ngunit ito’y isa lamang panlabas na desisyon. Pagkatapos ng ilang panahon malinaw na wala siyang buhay mula kay Kristo. “Naubusan siya ng gas,” gaya ng masasabi ng isa. Bumalik siya sa silid ng pagsisiyasat. Nagpunta siya sa Tagapagligtas na may mga luha ng panghihinayang at pagsisisi. Siya’y di nagtagal na napagbagong loob,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Ngayon sa loob ng maraming taon siya’y nagawang nakapag dasal sa publiko na may kasigasigan at pag-ibig na mayroon ang mga kalalakihan minsan noon sa Dakilang Paggising ng ika-18 at 19 na mga siglo at sa Koreanong pagkagising ng taon 1907. Papuri sa Diyos! Siya’y ganap na napagbagong loob,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Kinamuhian ni John Cagan ang simbahan, at kinamuhian niya ang kanyang ama para sa paggagawa sa kanyang magpunta tuwing Linggo. Isang umaga biniyak ng Banal na Espiritu ang kanyang puso. Nagpunta siyang umiiyak, gumgapang sa kanyang mga kamay at tuhod sa altar. Siya’y naligtas tulad ng mga lumang panahong Metodista! O, papuri sa Diyos! Siya’y napagbagong loob,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

Naiisip ko ang isang babae ngayon. Siya’y napak relihiyoso! Ngunit siya’y nakagapos sa kanyang sarili. Hindi niya matanto kung paano magpunta kay Hesus. Ito’y mukhang walang pag-asa sa kanya. Wala siyang pag-asa sa anomang paraan. Kapag ang lahat ng ibang pag-asa ay nawasak sa lupa, nawasak tulad ng basag na salamin, siya’y nagpunta kay Hesus ng napaka malumanay, at siya’y naligtas,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

II. Pangalawa, hindi ba pwedeng hayaan kitang

magpunta ang gumawa ng madaliang desisyon?

Siyempre, pwede! Maari ko kayong papuntahin, at umulit ng mga salita ng isang tinawag na “panalangin ng makasalanan.” Ika’y magiging Masaya – ng ilang panahon. Ngunit tapos sisimulan mong isipin, “Iyan lang ba ang lahat? Hindi ito mukhang totoo sa kahit anong paraan sa akin ngayon.” At ika’y magsisimulang magkaroon ng mga mapaglustay na mga pagiisip muli. Iyo muling sisimulang isip, “Siguro ay mayroong bagay sa mundo na aking nakaligtaan.” Nakita ko na ito! Nakita ko na ito! Sinasabi ng Bibliya, “Lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una” (II Ni Pedro 2:20). Mas maigi na makuha mo ito ngayon na! Mas maigi na makuha mo ito ngayon na! Kung hindi mo ito makuha ngayon na, “Lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una.” Dahil pagdating noon ang iyong puso ay maging napaka malipak na at napaka sarado na wala sa mga marinig mo mula sa Salita ng Diyos ay magpapakilos sa iyo! Mas maigi na ika’y makipaglaban at lumuha, at sumigaw ngayon na, kaysa maibigay sa “sa isang mahalay na pagiisip, upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat” (Mga Taga Roma 1:28). Mas maigi na makipaglaban at magsikap na mahanap si Kristo ngayon na kaysa sa isang araw na marinig Siyang magsabi sa iyo, “ikaw ay laban sa akin” (Hosea 13:9). Mas maigi na magkaroon ng mapait na mga luha, at isang lumuluhang puso ngayon na, kaysa isang araw marinig si Kristo na magsabi,

“Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin” (Mateo 7:23).

“Diyan na nga ang pagtangis, at ang pagngangalit ng mga ngipin, kung mangakita ninyo [iyong mga pagbabagong loob na nasabi ko sa inyo ngayong umaga] sa kaharian ng Dios, at kayo'y palabasin” (Lucas 13:28).

At maririnig mo si Kristong magsabing,

“At ang aliping walang kabuluhan ay inyong itapon sa kadiliman sa labas: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin” (Mateo 25:30).

O! O! Nagmamaka-awa ako sa iyo, mag-isip ngayon na! Mag-isip ngayon na! Mag-isip ngayon na! “Kapag siya’y mapunta sa kanyang pag-iisip.” O, naway ika’y mapunta sa iyong pag-iisip ngayon! At naway masabi patungkol sa iyo,

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17)

sinabi niya sa kanyang puso, “Babangon ako at magpupunta kay Hesus ngayon na” –

Para sa paglilinis sa Iyong mahal na dugo
   Na umagos sa Kalbaryo.
Ako’y papunta na, Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
   Hugasan ako, linisin ako sa dugo
Na umagos sa Kalbaryo.
   (“Ako’y Papunta na Panginoon” Isinalin mula sa
      “I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).

Kung gusto mong maging Kristiyano, iwanan ang iyong upuan ngayon na, at maglakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar para sa panalangin. Magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang taong makapag-isip at magtiwala kay Hesus ngayon na. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 15:11-19.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Panginoon, Ako’y Pauwi Na.” Isinalin mula sa
“Lord, I’m Coming Home” (ni William J. Kirkpatrick, 1838-1921).


ANG BALANGKAS NG

ANG MODELO NG PAGBABAGONG LOOB

(PANGARAL BILANG 1 SA MAPAGLUSTAY NA ANAK)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang siya'y makapagisip” (Lucas 15:17).

(Lucas 15:2, 24; Mga Taga Hebreo 11:25; Hosea 4:17)

I.   Una, ang nawawalang makasalanan ay nakapagiisip,
Lucas 15:17.

II.  Pangalawa, hindi ba pwedeng hayaan kitang magpunta ang
gumawa ng madaliang desisyon? II Ni Pedro 2:20;
Mga Taga Roma 1:28; Hosea 13:9; Mateo 7:23;
Lucas 13:28; Mateo 25:30.